Mekanismo ng Bonds

Anu ang mga TBOND (Bonds)?

Ang mga Bonds ay ang natatanging mga token na maaaring gamitin upang makatulong na mapanatili ang presyo na TOMB katubas sa peg (1 FTM). At kapag mas mababa na ang presyo ng Tomb sa peg (1FTM) ang solusyon nito ay kailangang bawasan ang supply ng TOMB para makuha ang balansi ng halaga ng TOMB sa peg (1 FTM).

Kailan ako makabili ng TBOND

(Bonds)?

Ang TBond ay maaaring mabili lamang sa loob ng contractual periods, at kung saan ang halaga rin ng TWAP ng TOMB ay mas mababa sa 1.

Bawat bagong panahon sa loob ng isang kontrata, ang mga TBOND ay ibinibigay sa halagang 3% ng kasalukuyang TOMB supply, na may pinakamataas na halaga ng pautang na nasa 35%. Nangangahulugan ito na kung ang mga Bonds ay umabot sa 35% ng supply ng TOMB, wala nang mga Bonds ang ibibigay.

Tandaan: TBOND TWAP (Time –Weighted Average Price) ay batay sa TWAP ng presyo ng TOMB mula sa nakaraang panahon at sa pagtatapos nito. Nangangahulugan ito na ang TOMB TWAP ay real-time at TBond TWAP ay hindi.

Saan ako makakabili ng TBOND

(Bonds)?

Maaari kang bumuli ng mga TBOND kung mayroon man, sa pamamagitan ng PIT sa Tomb.Finance, kahit sino ay maaaring bumili ng maraming mga TBONDS hangga’t gusto nila hangga’t mayroon silang sapat na TOMBs upang mabayaran ang mga ito.

Mayroong isang limitasyon ang halaga (3% nga kasalukuyang kabuuan na supply ng TOMB) ng mga paggamit ng TBonds bawat panahon sa loob ng isang kontrata. At ang paraan ng pagbenta ay kung sino ang nauna siya ang unang mapaglingkuran.

Bakit ako bibili ng TBOND

(Bonds)?

Una at pinakamahalagang dahilan ay makakatulong ang mga Bonds na mapapanatili ang peg, ngunit hindi lamang magiging panukalang paggamit upang mapanatili din ang protocol sa maayos na paraan, higit pa dito ay ang pondo mapunta sa DAO.

Ang TBONDS ay walang tumpak na petsa kung kailan ito mag-expire, kaya maaari mong tingnan ang mga ito bilang isang pamumuhunan sa protocol, dahil mas matagal kang makakakuha nang benepisyo mula sa paghawak ng mga Bonds.

Mga Insentibo para sa paghawak ng

TBOND

Ang ideya ay gantimpalahan ang mag mamimili para sa pagtulong sa protokol na mapalago, habang pinoprotektahan din ang protokol mula sa pagmamanipula mula sa malalaking manlalaro.

Kaya pagkatapos mong bumili ng TBond gamit ang TOMB, makakakuha ka ng 2 posibleng paraan upang maibalik ang iyong TOMB :

  1. Ibenta ang iyong TBond para sa TOMB habang ang peg ay nasa pagitan ng 1-1.1 (1 FTM) na walang rate kapag kinukuha mo ang bonus. Ginagawa ang mga ito upang maprotektahan ang pagbawi ng peg.

  2. Ibenta ang iyong TBong para sa TOMB habang ang peg ay nasa itaas ng 1.1 (1 FTM) na may rate kapag kinukuha mo ang bonus.

Kung mas mahaba ang paghawak mo sa mga protokol, mas malaki ang pakinabang mung makuha mula sa TBonds.

Halimbawa:

  1. Kapag ang TOMB= 0.8, burn 1 TOMB para makuha ng 1 TBond (presyo ng TBond =0.8)

  2. Kapag ang TOMB = 1.15, kunin ang 1 TBond upang makakuha ng 1.105 TOMB ( presyo ng TBond = 1.27)

Kaya, alin sa dalawa ang mas mahusay at kapakipakinabang?

Kung bibili ako ng TOMB sa halagang 0.8, at hawakan ito hanggang 1.15 at pagkatapos ay ibenta, makakakuha ako ng + 0.35 $ bawat TOMB.

Ngunit, kung bibili ako ng TOMB sa 0.8, burn ku para saTBond, at kunin ito sa 1.15, makakakuha aku ng 1.105 TOMB * 1.15 (kasalukuyang presyo ng TOMB) = 1,271 (+ 0.47$) bawat TBOND na makuha.

Ngunit paano kung ang pagbabalik sa peg ay masyadong mahaba ang panahon na paghihintay?

Aayusin naming ang aming mga kakulangan, upang magkaroon nang ibat’t ibang paraan sa panahon ng pag-ikli at pagpapalawak upang makinabang ang mga may hawak ng TOMB at TBond kung kinakailangan nila ang mga ito.

Last updated